April 14, 2011
Cramming!! ahhhh...
Ang sakit ng ulo ko nitong araw na ito. Puyat na kailangan pang gumising ng maaga gawa ng summer class...
Ramdam na ramdam ko ang pagod at antok habang nag input ako ng mga grades sa computer.
April 15, 2011
Late!! whew!!
Yessssss!! tapos na ako mag input, hindi ko na kailangan magpuyat!! ahhhhh... ang SAR-AP!!
Para akong uhaw na uhaw na nakatikim ng malamig na tubig....
Teka... may pasok nga pala ako ng alas otso... 9am na... late na ako!
Takbo papunta sa school, nagloloko ang motor ko at since malapit lang naman ako sa school kea nanakbo nalang ako...
Hingal...
Good Morning Chers!!
Nag aantay na ang nag iisang estudiante ko... ahahah!!
"Pasensiya na at late ako, babawi nalang ako next week."
"Sir, wala pong pasok next week!"
"Ahahah!! Wala ba?! Eh di next next week!!"
11:30am
Tutut!! Tutut!! 1 Message Received.
"Kent nasan ka na? Late na tau sa Body Painting." Ram
Shhheeet!! oo nga pala...
"Chers una na po ako at may gagawin pa ako... Salamat!!"
Nagkita na kami ni Ram sa Mini Stop at naglakad habang nainom ng palamig na bili namen sa Siomai King.
"Grabe ang init, summer na summer na!"
Ala una...
Nag umpisa na ang Body Painting, kahet pagod at puyat, nakuha pa din mag shoot dahil ang sarap sa pakiramdam kapag pinipindot ang trigger ng camera.
Alas Nwebe ng Gabi...
Antok na antok na, hindi na kayang imulat ng malaki ang mata, nakaupo nalang ang karamihan sa Klik sa mga tabi tabi dahil nakakaramdam na ng pagod, gutom at antok...
Unknown time... hehehe!!
Nakauwi na din sa wakas!! ramdam na ramdam ko ang kama sa aking likod... pero bago ako matulog, tiningnan ko muna ang camera ko kung may karga pa ang battery.
April 17, 2011
5:00am
Good Morning!! haaayyyy!! sarap!! pero bitin... gusto ko pa matulog... zzzzzz......
6:15am
Gising!! FPPF, Aliwan Festival 2011, 8am ang alis oo nga pala...
TO BE CONTINUED!!
No comments:
Post a Comment